Archive for November, 2010

Chris Booger and the Impotent Sorcerer’s Stone (Tagalog Version)

This story is made from the creative mind of Yuan Azeuca. Any resemblance to actual people, places or events is purely co-incidental. If ever there is any resemblance to actual people who are working in a call center it is not intentional and is not meant to ridicule any people. (kunwari di sinasadya)

Noong unang panahon may isang mayamang binata na nagngangalang Chris Booger. Lahat ng hinahawakan nya ay nagiging ginto. Mabait at gwapo si Chris Booger at marami ang nahuhumaling sa kanya. Ngunit sya ay walang asawa dahil sa tuwing hahawakan nya ang nililigawan nya ay agad itong umiiwas dahil sa alam nila na ang anumang mahawakan ni Chris Booger ay magiging ginto. Sa makatuwid ay wala sa mga babae ang pumapayag na maging kaniyang kabiyak. Lingid sa kaalaman ni Chris Booger ay nakikinig sa kanya ang isang masamang salamangkero si Yuan Tutuban kalaban ng sangkatauhan. Si Yuan ay isang mahirap na salamangkero ngunit may kakayahan siya sa Dark magic at kasing itim nya ang kanyang budhi. Nag-isip siya ng paraan para makuha ang kayamanan ni Chris Booger. Minsan naglalakad si Chris Booger sa bukid ay may nakita siyang isang langaw. Sinubukan nyang hulihin ito ngunit naisip nya na pag nahawakan nya ito ay mamamatay ito at magiging ginto. Dahil naaawa sya sa langaw ay sinubukan nya na lang hulihin ito gamit ang kanyang dila. Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ay nalunok niya ang kawawang langaw na namatay din naman. At matapos malunok ang kawawang langaw at tila isang panaginip na may dumaang isang magandang dilag sa kanyang harapan. Nabighani ng sobra ang puso ni Chris Booger sa magandang dalaga kaya’t lumapit siya rito at sinabing “To get off to a good start may I have your name please?” Sumagot naman ang dalaga at sinabing “My name is Trining Prases . How’s the weather there?” Nataranta si Chris Booger at hindi alam ang isasagot. At nawala sa isip niya ang ang sumpa sa kaniya kaya nakipagkamay sya na hindi naman tinanggihan ni Trining Prases. At sa isang iglap kasabay ng kulangot sa daliri ni Chris ay naging ginto din si Trining Prases. Nagulumihanan si Chris Booger.  Ito ang kauna-unahangbabae na masasabi nyang minahal niya kay Melinda Songer, Miriam Dakila, Joanna Brother at Terry Mobile. Depressed na depressed si Chris Booger, para syang representative na nadelay ang order at nasingil ng shipping fee. Eto na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Yuan Tutuban. Sa gitna ng makapal na usok ay biglang lumitaw si Yuan Tutuban. Humahalakhak na tila isang adik na nakalanghap ng Dragon katol with the tagline Dragon kung umusok lamok siguradong Teypok.

“Kaibigan, nais mo bang maibalik sa dati ang iyong kasintahan? At tuluyan na ring maalis ang sumpa sa iyong mga kamay?” ani Yuan Tutuban. “May alam akong paraan para maibalik sya sa dati ngunit may kailangan kang kunin para sakin para maibalik sa dati ang iyong kasintahan.” dagdag pa nito.

“Ano yon?” Sagot ni Chris Booger, “lahat ay gagawin ko mabalik lang sa dati ang kasintahan ko”. (kapal din naman nito kasintahan daw di naman sya sinagot pa ni Trining Prases, You wish Asshole!!!).

“Kailangan mong kunin ang makapangyarihan YAG balls ng katunggali kong salamangkero na si Erick Chikinini.” Kung mapapasakamay ko ito ay magagawa kong ibalik sa dati ang iyong kasintahan at bukod pa ryan makakatanggap ka din ng Skin So Shiny Anti Acne with kulangot buster bundle.” ang pahayag ni Yuan Tutuban.

“What! Skin So Shiny Anti Acne with kulangot buster bundle?” gulat na gulat na sambit ni Chris Booger.  “I have been wanting to buy that item for years but it is a very rare product and only members of the inner circle are allowed to buy that.” (napaenglish si mokong sa sobrang excitement).

“Oo! limited edition and very rare product ito at ibibigay ko sayo kapalit ng YAG balls ni Erick Chikinini at bonus pa na mababalik ko sa normal ang kasintahan mo at maalis ang sumpa sa mga kamay mo.” pangungumbinsi ni Yuan Tutuban “Ano payag ka na?” dagdag pa.

“But of course gagawin ko ang lahat!” buong sayang sambit ni Chris Booger na parang isang representative na nauto ni Yuan Tutuban na bumili ng upsell.

At binigyan sya ng map ni Yuan Tutuban para makarating sa hide out ni Erick Chikinini. Mahigpit na binilin nito na sundin nya ang map dahil mamamarkdown sya ng 6 pts. pag hindi nya to sinunod. At nakalagay sa map ay(to the tune of Dora the Explorer)  Gubat, Kuweba, Erick’s Hideout,  Gubat, Kuweba, Erick’s Hideout, Yeyyyyy!!!!.

At nagsimula na ang paglalakbay ni Chris Booger.  First stop gubat, while walking on the jungle ay may nakita syang isang babaeng lobo na sumasayaw ng pandanggo. Dahil sa naliligaw na si Chris at kanina pa sya paikot-ikot sa puno ng bayabas ay naisipan nyang tanungin ang lobo na kahawig ni Angel Locsin at nakapose na parang nasa cover ng FHM magazine.

“Mawalang galang nga po, maaari po bang magtanong?” bungad na pagbati ni Chris.

“Unang una wala ka talagang galang dahil di hamak na mukha kang matanda sakin at pangalawa nagtatanong ka na.” galit na sagot ng magandang lobo.

“Pasensya na po, kasi po ay kanina pa ko naliligaw, 30 times na ko paikot-ikot dito sa puno ng bayabas pero hindi naman ako nakakaalis, natapos ko na nga ng 5 times ang sayaw mo eh.” paliwanag ni Chris.

“Oo nga kanina ka pa paikot-ikot jan at akala ko naman ay nakikipaghabulan ka lang sa mga bulate o di kaya ay naghahanap ka lang ng hinog na bayabas.” sagot naman ng lobo.

“Hindi naman nalibang lang ako sa panonood ng sayaw at feeling unti unti na nahuhulog ang puso ko sayo!” sambit ni Chris Booger habang naglalambitin ang isang kulangot sa tungki ng kanyang ilong.

“Puso mo ba ang nahuhulog o yang kulangot na nakikita ko sa ilong mo?” sagot ng lobo “Oo nga pala di ko pa nasasabi ang pangalan ko, ako si Kim Boh”  (uulitin ko para sa nagbabasa Kim Boh) “At ikaw sino ka naman?”

“Ako nga pala si Chris Booger at kinagagalak kitang makilala, sana ay maturo mo sakin ang tamang daan papunta sa hideout nin Erick Chikinini dahil kailangan kong matulungan ang aking katipan.” pagpapakilala ni Chris (Tama ba yun? katipan ulit sinabi nya? Girlfriend your face!!!) “Ngayon kung ayaw mo naman ay mawawalan na ko ng pag-asa na maibalik sya dati kaya ikaw na lang ang mamahalin ko.” dagdag diskarte pa ng mokong.

“Ah kung ganun tigilan mo lang ako sa mga diskarte mo na kasing edad na ng lolo ko sa tuhod, Ituturo ko na sayo ang daan.” nandidiring tugon ni Kim Boh. ” Nakikita mo ba yang signboard na nakakabit dyan sa puno ng bayabas na  iniikutan mo kanina pa? Yang may nakasulat na “To Erick’s Hideout Follow This Path” sa tabi ng puno may path na sundan mo na lang di kasi nagbabasa. Sa dulo ng path ay may makikita kang sakayan ng jeep papunta sa isang kuweba. Tandaan mo ang sasakyan mo ay ung kuweba hindi Cubao. Medyo magkatunog kasi kaya wag kang basta sasakay tingnan mo yung signboard.  Pero ipapaalala ko sayo, May isang halimaw sa daan at kailangan mong mag-ingat.” tuloy tuloy na sabi nito. “O sige mauna na ako at may practice pa kami ng jabbawockeez sa america’s best dance crew”.

“Maraming salamat sa tulong mo” sabi ni Chris sabay abot ng kamay para makipagkamay kay Kim

“Wag na,”sabi naman ni Kim “Hindi ako sigurado kung saan saan nanggaling yang kamay mo”

At umalis na nga si Chris Booger at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay,

 

Advertisements

AVON DREAM TEAM, Almost but not Quite!!!!

AVON DREAM TEAM…. Tinatamad na akong pumunta sa sportsfest kasi malakas ang ulan at bumabaha sa España pero dahil sa gusto kong suportahan ang Dream Team ng Avon US ANZ ay nagpunta pa rin ako (kahit ang totoo ay dahil lang sa blackmail ni TM Toby kaya ako nagpunta pero maniwala na lang kayo na gusto ko talaga silang suportahan hehehe). We started with the walang kamatayang parada ng mga players at syempre kasama ang naggagandahang Muse. Sinundan ng Flag ceremony este singing of the National Anthem na sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakasabit pala sa posteng hinahawakan ko kaya bigla akong umatras ng magsitinginan ang mga players sa pwesto ko. After that ay parade of the muse etc. Followed by the super loved part ko, the super performance of the U.P. Pep Squad…. Ganda talaga.  Super astig. Then came the announcement of the best Muse ba award nya. A girl in red won at since hindi naman sya mukhang nag-effort masyado dahil talaga namang parang nagpaparlor pa sya for the event.

Then came the most awaited part…. Avon Dream Team versus NYK. After the jump ball hiyawan agad Avon Dream Team gets the ball and Karlo Panti (KP) went strong to the hoop giving us the first two points of the game. Magandang simula na biglang nawala after magsunod sunod ang shoot ng kalaban. Nakakabingi ang katahimikan ng mga tagasuporta. After ng half time double digits ang lamang ng kalaban. Nagsiuwian na ang iba sa mga kasamahan namin. Second half starts halos parang wala ng gana ang mga tagasuporta na sumigaw. Parang mas maganda pa na ireserba na lang ang boses para sa mikropono ng headset at sa pagpapaalam ng break sa opisina. But the Avon Dream Team didn’t lose hope. KP showed them how he leads not just by managing the account but on the hard court as well. Almost all his shots came in and it sparked the whole team that is almost starting to lose hope. Nagsimula ng ganahan ang kanina ay halos wala ng siglang mga tagasuporta at player. There was a three-pointer made by sir Steve, rebounds made by Enzo and steals made by Kindred and Toby. The others helped as well with a great defense and finally the once 15 point lead went down to three. Halos lahat ay nagsisigawan. People are cheering out loud to support their own teams. Sobrang intense ng laro na pag may nakita kang mga panggugulang sa laro ay talaga namang nakakainis. I even spotted Mr J-Bag number 14 practically pushing Rey so that he cannot get in position for the rebound. Last two minutes came and players are actually tired and time is not on our side. The buzzer sounds and the game ended with Avon Dream Team losing by three points. Nakakapanghinayang pero you can see that they can win it they just lack practice. Naging mabagal din ang umpisa nila dahil siguro sa pressure sa dami ng nagpunta para sumuporta sa kanila. To Avon Dream Team we’ll get stronger next time. At kahit na talo tayo okay lang, file ko na lang na OT ang pagpunta ko hehe Joke!!!!

Just To Let You Know

Looking at my monitor I see your face

When my last break comes My heart’s in a race

Always anxious to go home And be with you

Forever and ever You’re my love so true

I know there are things I’m like an irate client

When I joined this career Don’t know where my patience went

But even though I’m impulsive Believe me this is true

I may be too controlling But it’s all cause “I love you”

The reason why I have my eyes Is to see your beautiful face

The reason why I have my nose Is to smell you anytime, anyplace

I have my lips to kiss you And taste your sweet little lips

I have my hands to hold you And feel four fingertips

I used to think and believe That I already have no heart

And love stories and marriage Is just true in the movies and arts

But on the moment I met you I know now why, I don’t have a heart

Because you are its owner And you have each and every part

So this is the reason why I’m scribbling this little note

It is not my hand that made it But this is what my heart wrote

It is so that you’ll know That I love you more each day

I love you more and more Until our hair turns to gray

This is a poem I made while taking calls. Sobrang enthusiastic na kasi ako umuwi nang bahay at gusto ko na umuwi kahit 2 hours pa lang me sa office so para mapabilis ang oras I made myself busy so that I won’t notice time fly by. Kasama kang tumanda pa rin yung theme hehe..

5..4..3..2..1..Log Out!!!!

LOG-OUT!!! Hay napakasarap sa pakiramdam. Sa tuwing isinisigaw sya sa floor parang tumutunog ang mga kampana ng simbahan, parang nagsasayaw ang mga anghel sa kalangitan at parang nagkakaroon ng World Peace. Sa maghapon na halos magdikit na ang tenga mo at ang headset at halos tulala na ang tutuli mo sa kakapakinig sa mga reklamo ng tumatawag, masarap isipin na mauubos din naman pala sila. Sa maghapong namamalat ka na sa kakasabi ng “How may I help you?” na pag nasasawa ka ay papalitan mo pa ng “How may I assist you” na para bang magpapasa ka lang ng bola sa kausap mo, masarap maramdaman na meron din naman palang “Thank you for calling Goodbye” sa spiel mo.

Ang daming eksena pag malapit ng mag Log-Out. May mga taimtim na nagdadasal na sana ay yung katabi na lang niya ang pasukan ng tawag. Ang iba naman ay halos i-offer na ang katawan para lang sumakto sa oras ng pagpindot ng makapangyarihang Log-Out Button, at may iba naman na ibang makapangyarihang button ang pinipindot. Pag huling tawag na nakakalimutan na ang mga Q.A. Nawawala na sa isip kung may Team Lead na nagbabantay o kung macocomplain ka pa ng kausap mo. Ang mahalaga matapos ang isang araw at kitain mo ang bayad para sa araw na yon. May mga naghohold ng tawag kahit di kailangan, puro allow me a few moment ang banat sabay tinitingnan naman ay ang orasan. Lahat ng katarantaduhan ay gagawin wag lang masabihan ng “Yhuan Overtime Again!!!

Buhay Tech Support, Nakakainis pero Nakakamiss…..

Nagloloko ba ang iyong internet connection, computer, ang router o sadyang di ka talaga marunong magcomputer? Hindi ba naka smile ang yahoo messenger mo? Wala kang nakikita sa monitor kundi no input signal o di kaya ay nabawasan ka ng friends sa facebook o friendster? Sa lahat ng walang kabuluhang tanong na yan iisang tao ang tinatawagan mo. Ang dakilang Technical Support Representative.

Ang mga TSR ay mga dedicated at magagaling na nilalang na binubuo ng mga sumusunod: Nursing grad na di nakapasa sa board, mga graduate ng two year or vocational course, mga undergrad ng iba’t ibang kurso, mga engineer na nag-iipon ng pangreview, mga mechanical engineer na di marunong magsave ng notepad at mga taong grumadweyt ng management course na walang ma-applyan na iba dahil puro call center ang hiring sa Pilipinas, meron ding ilan na highschool grad pero may accent daw sa pagsasalita ng english. Sila ang dream team na tutulong sayo sa mga problema mo, kahit na lumilindol, pasko, ondoy o kahit na ano pang delubyo ang dumating may pasok sila at wala silang magagawa dito maliban sa magsakit-sakitan at kumuha ng medical certificate para ma excuse.

Masarap magtrabaho bilang technical support. Marami kang matututunan na gamit ng computer. Ang mga keys sa keyboard mo na katulad ng spacebar at F12 na dati ay di mo napapansin ay nagiging napakahalaga na sa iyo. Kung dati-rati ay   hindi ka sanay sa “ctrl+c” at “ctrl+v” ay siguradong matututo ka dito. isusuot mo rin dito ang time affecting headset na sa di maintindihang dahilan ay bumabagal ang galaw ng mundo sa tuwing sinusuot mo. Dito ay makikilala mo rin ang mga butihing technician na itatanong pa sa may-ari kung ano ang operating system ng computer nila. Marami din dito na super paranoid na kaya daw ata mabagal ang connection nila ay dahil may naghahack ng computer nila.

Sa mga kasamahan naman sa trabaho dito ka makakakita ng puppet na nagsasalita, tomboy na napakagwapo, lalaking sa edad na 27 ay nakakalbo, binatang pag di nakakain ng saging ay parang maghihingalo at mga kagaya ko na nakikipag-inuman at nalalasing sa coke litro. Masaya talaga maging TSR pero minsan ang stress ay pumapasok din sa ulo. May mga oras na inaabot ka na ng madaling araw paglalaro ng pusoy, DOTA o di kaya ay pagbabarilin mo ng airsoft ang lahat ng plastic na boteng makita mo. Minsan din ay pinagplaplanuhan mo na ang escort lady sa kabilang kwarto nyo. Nagpapahabol ka sa lobo na hugis aso at nagdidikit ka ng mga ginupit na magazine sa dingding ng kwarto nyo. At sa dinami-dami ng mga ginawa mong ito hindi mo pa rin nahugasan ang plato sa lababo.

Sa pagiging TSR ay magiging bihasa ka na din sa pagsisinungaling. May pupunta po para ayusin ang connection nyo, kailangan ireformat ang pc nyo at my supervisor is engage in a call right now, ilan lang ito sa mga kasinungalingan na kayang-kaya mo na sabihin pag naging TSR ka na. Sabi nga ng isang kaibigan ko sa sobrang galing na daw nya magsinungaling pati sarili nya napapaniwala nya na sa kasinungalingang sinasabi nya.

Sa mga bagay na ito, sa lahat ng nakakairita at nakakatawang caller at subscriber na nakausap ko, sa mga nakasama ko sa pakikidigma, sa isang tambak na problema ng mga computer at may-ari, sa mga YM na hindi makapagchat ,sa mga Outlook na di makapag-email at sa sang tambak na mabagal o putol-putol ang internet connection. SALAMAT. Naging masaya ako sa ilang panahon na inilagi ko sa buhay Technical Support.  Salamat na miss ko din naman ito pero sa ngayon iba na ang problema ng mga tao pag sinusuot ko ang headset ko.

A Daughters Love

Just a few day’s ago a friend of mine lost her father. After a few months fighting against brain tumor he finally left and faced the creator himself. Well it’s amazing listening to her story previously I thought na swerte naman nung tatay nya kasi mahal na mahal sya nung anak nya but after hearing the story, ngayon alam ko na swerte ng anak nya kasi mahal na mahal sya ng tatay nya.   If I will be given a father like him siguro naging sobrang mahal na mahal ko din ang tatay ko, sabi nga nila ang tatay daw ang haligi ng tahanan, sya ang nagpapanatiling nakatayo ng isang pamilya, so paano kung namayapa na ang tinuturing nyong haligi. Kumbaga sa bahay ay nasira na ang pundasyon pano tatayo ang bahay ng walang sumusuporta. Inisip ko pano kung sa isang bagyo o lindol kaya ay masira ang pundasyon ng bahay ninyo, natural ay guguho ito. pero naisip ko din na ang pagiging haligi ay hindi lang ang pagiging nariyan mo bilang taong nabubuhay na tinatawag nilang tatay. Mas maituturing na ama ang isang taong kahit na wala na at hindi nyo na kasama ay mararamdaman nyo pa rin ang impluwensya niya sa bawat isa sa inyo. Kaya sa kaibigan ko na ngayon ay nagdadalamhati, magpasalamat ka dahil kahit na lumipas na ang pisikal na katawan ng iyong ama. Iniwan naman niya sa inyo ang impluwensya at ang kanyang pagiging ama sa inyo.

Kasama Kang Tumanda

Itong awiting ito
Ay alay sayo
Sintunado man to
Mga pangako ko sayo
Ang gusto ko lamang
Makasama kang tumanda

Patatawanin kita
Pag hindi ka masaya
Bubuhatin kita
Pag nirayuma ka na
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Ibibili ng balot
Pag mahina na tuhod
Ikukuha ng gamot
Pag sumakit ang likod
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

Chorus:

Sasamahan kahit kailanman
Mahigit kumulang di mabilang
Tatlumpung araw sa isang buwan
Umabot man tayo sa three thousand one

Loves na love parin kita
Kahit bungi bungi ka na
Para akin ikaw parin
Ang pinagwapong papa
O kay sarap isipin
Kasama kang tumanda

At nangangako sayo
Pag sinagot mong oo
Iaalay sayo buong puso ko
Sumangayon ka lamang
Kasama kang tumanda

 

I really like this song! Siguro para sa iba it’s just a corny version of grow old with you. I heard this song on a film starring Vhong Navarro and Toni Gonzaga and I know that this song can exactly express how I feel. Sino ba sa atin ang ayaw ng isang lifelong partner, mapa lalake, babae, gay or lesbians are always in search for someone they can grow old with. Sabi nga nila “It’s the journey, not the destination” but for me what is important is your companion in your journey. alam naman natin na okay lang ang travel alone kung nagmamadali ka pero kung hindi naman mas masaya pa rin ang maglakbay ng may kasama and in this life you should pick the right person to be your companion in this lifelong journey, yung isang tao na hindi ka iiwan at alam mo na magiging masaya pa din kayo kahit na mabibilang na sa daliri ng isang kamay ang ngipin ninyo. I believe that I have found my lifelong companion and I am striving hard to keep her as my companion. I hope that you find yours too!!!