I’ve been busy this past few months. Queue sa calls ng November till December, new opportunities and new tasks come January till now. I haven’t got any inspiration to write anything in this blog. Now I’m really burnt out. Mahirap tingnan ang quality ng ibang tao kung mismong ikaw hindi ka na satisfied sa quality ng tinatrabaho mo. Masaya sa bago kong department, everyone is helpful appreciative and lahat sila maasahan. The only thing is in rder for us to be able to work good we have to have an inspiration. I remembered what our Boss said during the meeting of expectations. Sabi nya sakin what do I want to be 6 months from now, then 2 years from now and finally what I see myself after 5 years. Then she said everytime na nararamdaman mo na your losing it, pag nararamdaman mong nawawala ka sa focus. Just remember those goals. Para ka lang mga figurine ng Feng Shui na inienergize pa nito ulit. Right now I am at that situation. I am at the edge of a cliff and I’m waiting for someone to either push me or pull me. May mga iba na tinutulak ako to go on the uncertain, some actually wants me to stay at tiisin ang lula ko. Minsan kasi nakakasawa na, I believe kasi na pag hindi ka na masaya sa ginagawa mo ibig sabihin kailangan mo ng tumigil. Pero pano kung titigil ka ngunit hindi naman magiging masaya yung taong dahilan kung bakit ka sumasaya. Titigil ka pa rin ba kahit na malulungkot sya. Di ba ang lungkot pa din nun? So dahil dyan binubuksan ko muli itong blog ko, hindi mahalaga kung may magbasa man o kung wala, ang gusto ko lang ay may mapagtypean ako ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Gusto kong simulan na libangin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga kalokohan na ako din ang gumawa at ako lang din ang nakakaintindi. Gusto kong ayusin muna ang sarili ko bago ko masigurado kung handa na ba akong tumalon. Mahirap mag bungee jumping kung walang tali na hahatak sau pabalik. Ayoko ng Gulay, I really hate it. Ako na yata ang pinakapihikang tao sa mundo. Pero naalala ko dati nung nililigawan ko pa ang future wife ko, kumain ako ng isang hiwa ng repolyo dahil sa ang gago kong teammate ay inutusan ang nililigawan ko na¬† fiancee ko na ngayon na pilitin akong kumain ng gulay, dare ba? Until now hindi pa din maalis ang sama ng loob sa pagkain ng gulay e noh. So ibig sabihin kung mahalaga sayo ang kapalit kaya mong tiisin ang hirap. Nakakain nga ko ng repolyo yun pa kayang tiisin yung ginagawa ko ngayon. Kaya ko to. Go Go Go.