Archive for April, 2011

Super Powers

Kung magkakaroon ka ng super powers ano ang pipiliin mo? Makalipad kagaya ni superman ? Maging malakas kagaya ni Hulk?  Regeneration kagaya ni Wolverine? Karamihan sa atin ay yan ang mga pangarap na super powers. Kung ako ang tatanungin ay mas pipiliin ko ang maging kagaya ni Mystique sa X-men ang kakayahang magaya ang kahit sino o kahit ano. Shape Shifting kung tawagin nila. Identity, wala ako nun, ako yung tipo ng tao na makakasalubong mo sa daan na hindi mo man lang maaalala, para lang akong isang bacteria na sa dinami dami ng bacteria ay hindi mo man lang mapapansin. Naalala ko tuloy ung animated movie na Madagascar, yung zebra na napaka common at walang pinagkaiba sa lahat ng zebra sa africa. Alam ko na pag shape shifter ka, pwede kang maging kahit sino pero ang suma tutal ay wala ka pa ring sariling pagkakakilanlan. Para ka lang pirated DVD sa Quiapo. Parang imitation ng Converse at para kang si Willie Nepomuceno na ginagaya lang ang iba. Pero mas gusto ko pa rin ito. Hindi ka man kasing lakas ni Superman maitatago mo naman ang kahinaan mo. Hindi ka man matapang kagaya ni Wolverine malilinlang mo naman ang iba na matapang ka din kahit ang totoo nanginginig ang tuhod mo. Sa buhay ko dumating yung time na nakamit ko yung kapangyarihan na yan. Sa telepono ako ang may alam ng lahat.  Sa telepono kaya kong sabihin kahit na sino ako. Sa telepono napapalitan ko ang pangalan at pagkatao ko. Kung magagawa ko lang to sa totoong buhay siguro ibang tao ako. Pero dahil sa eto lang ako. Hayaan mong baguhin ko ang katauhan ko gamit ang blog na ito..

Dinuguan

Ayaw na ayaw ko ng dinuguan. I hate gulay pero pag nakakakita ko ng dinuguan parang I hate eating na din. Alam ko na maraming pilipino ang mahilig kumain ng dinuguan lalo na daw pag may kasamang puto. Sarap na sarap silang isubo ang halos kulay putik na sabaw nito at kagatin ang karne na halos hindi mo na makilala kung anong parte ng baboy o kung baboy talaga ang kinakain nila. Ewwwwww. Nag-iiba ang relihiyon ko pag inalok mo ko ng dinuguan. Ngayon pa nga lang sinusulat ko to ay parang maduduwal na ko. Hindi ko din maintindihan pero hindi ko naman natikman ang dinuguan. Ayoko lang ng amoy at itsura nito. Para kasing putik o kaya ay tubig galing kanal ang itsura. Kung may magagalit man sa sinusulat ko ito po ay opinyon ko lang. Kung gusto mong kumain e di kainin mo di kita pipigilan. Marami naman ang nagsasabi sakin na masarap talaga ang dinuguan. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin mo para magmukhang maganda ang pagprepare nito. Feeling ko kasi kahit lagyan mo ng santambak na bulaklak, decoration kahit icing eh masagwa pa rin ang itsura . Ngunit sa kabila ng pagkapangit pangit na itsura ay sinasabi naman nila na talaga namang napakasarap daw. Kung kelan darating  ang panahon na kaya ko ng isubo, nguyain, at lunukin ang dinuguan ay hindi ko alam, pero kagaya ng lahat ng bagay sa aral sa mundo. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Mahirap sa simula. Nakakakaba. Hindi mo alam kung pano mo uumpisahan. Kailangan mong gawin ay isang hakbang muna at susundan ng iba pa hanggang sa sigurado kang kaya mo na.

Life is an unending journey and as long as you’re alive you will encounter things that are new to you, places that you haven’t seen and faces that are not familiar.  Pero sa lahat ng mga bagong bagay, lugar at tao sa buhay mo. Makakasalubong ka ng mga bagay na ayaw mo. Kagaya ko na tuwing bibili ako ng pagkain sa carinderia, hindi miminsan na nangyari na ang unang kaldero na mabubuksan ko, ang laman ay ang pagkain na ayaw na ayaw kong makita. Pero kailangan mong magpatuloy. Buksan ang kasunod na kaldero para makita ang pagkain na nababagay sa panlasa mo. Yun oh! Sinigang na hipon… TARA KAIN  TAYO!!!

Cellphone na may camera!!!

Malaki talaga ang naidudulot na pagbabago ng teknolohiya sa buhay ng tao. Magmula pa sa tv, radyo, telepono at computer ay malaki na talaga ang pinagbago ng panahon. Kung dati-rati ay nakikinig lang ang tao ng mga balita sa radyo o di kaya ay mga tugtog na ancient na at ang mga kumanta naman ay extinct na, ngayon ay maaalala na lang ng tao ang A.M. radio pag may bagyo at brownout sa lugar nila.  Ang F.M. radio naman kahit papano ay naririnig pa rin katulad ni Papa Jack o di kaya ay sa mga pampublikong sasakyan na hindi afford bumili ng cd player.   Sa ngayon kasi lahat ay naka mp3 o mp4 player na. Pag pumunta ka pa nga sa mga bangketa ay meron pang mp5 dahil daw may camera na hindi ko naman maintindihan dahil ang mp3 at mp4 ay mga file type na kayang i-play nun so anong klaseng file ba ang mp5 na kayang i-play ng player na ito. Kung ang Mp3 ba na audio at mp4 na video ang mp5 ba ay bukod sa video at audio ay meron pang  sense of taste or touch? un bang tipong matitikman mo yung pagkaing pinapanood mo o di kaya eh mahahawakan mo yung nota. (nota na note po in the music para malinaw sa mga green minded na katulad ko).

Pero sa lahat ng bagong teknolohiya ngayon ang pinaka nakakatuwang pagmasdan ay ang telepono o cellphone na sa panahon ngayon. Biruin mo mula sa dating laging nakalapag sa lamesa na napalitan ng malalaking analog cellphones ay meron na tayong iba’t-ibang uri ngayon ng cellphone. Dati pag bumili ka ng cellphone panahon ng 3210 at 3310, sobrang in ka kapag may acetate tapos iba kulay ng backlight at ang pinakamalupit pag pinainvert mo ang LCD nito. Halos every month ka din magpalit ng housing.  Mas maliit ang cellphone mas mahal kahit na parehong pareho lang sila ng nagagawa nung isang cellphone. Dumating ang sunod na henerasyon ng cellphone. Colored at polyphonic ringtone. Masakit daw kasi sa tenga ung monotone na tunog ng 3310 na parang ngongo na kumakanta. Naging in ka lalo pag colored ang cellphone mo. Finally dumating na ang feature na cellphone with camera. Video and photo. Ang dating mga camera shy naging photomaniac na. Ang kapatid ko lahat ata ng angulo ng pagpicture sa mukha nya meron. May mga stolen kuno. May mga wacky. May mga seryoso or emo. Nauso na din tuloy ang mga sex video dahil pati mga narrow-minded person ay nakakabili na ng mga gadget na ganito.  Sa ngayon maliban sa camera ay meron na ding mga cellphone na may TV at ung iba wifi or internet access na. Makikita natin na talagang malayo na ang narating ng teknolohiya natin. Sana pati yung pag-iisip natin ay malayo na rin ang marating. Pano tigil na muna ko. May itetext lang muna ako.

 

Buhay Konsensiya

Rewind……. Balik tayo sa taong 2007 first time kong mag call center.  1st barge ko at 1st day ko na magcalls. Nagka telephone access kasi sila ng day-off ko at pagpasok ko nagcacalls na lahat ng kabatch ko. Pull out tawag ng QA, markdown information, Fatal markdown. Bilog na bilog ang score ko. Sa non-fatal naman 73%. Ouch. Ang TL ko okay lang daw yun kasi bago. Pero sakin nakakahiya, ano ba naman yun. unang araw ko lang puro pula ang nakalagay sa scorecard ko. Napakahigpit ng QA….

Play………  After 3 years ng pagtatawag nasanay na ko na makisalamuha sa buhay call center. Alam ko na kung kelan bagsak at kung kelan maganda ang calls ko. Alam ko na ang paraan para makalusot sa mga markdowns at ang mga technique para maging maayos ang flow ng tawag at maiwasan ang sobrang baba na grade. Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging isa sa mga taong unang kinatatakutan ko pagpasok ko sa call center. Ang mga taong parang laging seryoso at daig pa ang DJ na maghapon nakaheadset pero di naman nagsasalita. Ang mga Kyu Ey…….. Naranasan ko naman nang magbarge dati pero laro laro lang yun. Makikinig ka ng tawag ng kateam mo tapos pagtatawanan mo sya kasi mali ang ginawa nya, nagalit ang kausap nya dahil sa katangahan nya at  nangyari din sayo yun kaya ka natatawa.  Pero pag totohanan na pala ay iba na. Naiinis ka na pag mali ang nagawa ng ahente. Hindi na nakakatawa pag nagalit ang tumawag dahil sa katangahan ng natawagan, at pinakanakakainis pag ang ahente na ang mali ay sya pa ang nagagalit. Yung dating okay lang pag-antayin mo lang yan sa linya kwentuhan lang muna tayo. Naging nakakabagot na at naiinis ka kasi sa halip na maikli lang ang papakinggan mo ay humaba dahil sa may chinicheck lang kuno ang ahente sa linya kahit nakikita mo naman na ngumunguya lang ng boy bawang o skyflakes habang nakikipagkwentuhan sa katabi. Ang hirap maging konsensya.. kasi kung ayaw naman sundin ng tao ang konsensya nya wala ka din magagawa. pwede mong sabihin ng sabihin ang dapat gawin pero sila pa rin ang masusunod. Andon ka lang sa likod. Isa kang dakilang sidekick at sila ang bida. Masaya naman pag may mga taong nag-improve dahil sayo. Mahirap pag may ayaw makinig dahil mas tenured sila sayo. Mahirap pag ang tinatanong nila ay ikaw mismo ay hindi sigurado sa sagot. Maraming nag-eexpect na dapat laging alam mo ang isasagot mo. Ang konsensya ay nandyan para magbigay ng payo hindi nila masasagot ano ang mas makakabuti at alin ang maaaring makakasama.

Fast Forward…..Sa pagtagal alam ko makakaadjust din ako. Magiging sanay na sa mga bago at lumang ahente. Magiging kampante na sa pagdidiscuss ng mga dapat at hindi dapat gawin. Hindi na kakabahan at mas marami pa akong matututunan.  Makukuha ko din ang respeto ng mga tao sa paligid ko. Alam ko darating ang panahon na yon. Sa ngayon para sigurado Safeguard muna gagamitin ko…