Dinuguan

Ayaw na ayaw ko ng dinuguan. I hate gulay pero pag nakakakita ko ng dinuguan parang I hate eating na din. Alam ko na maraming pilipino ang mahilig kumain ng dinuguan lalo na daw pag may kasamang puto. Sarap na sarap silang isubo ang halos kulay putik na sabaw nito at kagatin ang karne na halos hindi mo na makilala kung anong parte ng baboy o kung baboy talaga ang kinakain nila. Ewwwwww. Nag-iiba ang relihiyon ko pag inalok mo ko ng dinuguan. Ngayon pa nga lang sinusulat ko to ay parang maduduwal na ko. Hindi ko din maintindihan pero hindi ko naman natikman ang dinuguan. Ayoko lang ng amoy at itsura nito. Para kasing putik o kaya ay tubig galing kanal ang itsura. Kung may magagalit man sa sinusulat ko ito po ay opinyon ko lang. Kung gusto mong kumain e di kainin mo di kita pipigilan. Marami naman ang nagsasabi sakin na masarap talaga ang dinuguan. Hindi ko lang talaga alam kung ano ang gagawin mo para magmukhang maganda ang pagprepare nito. Feeling ko kasi kahit lagyan mo ng santambak na bulaklak, decoration kahit icing eh masagwa pa rin ang itsura . Ngunit sa kabila ng pagkapangit pangit na itsura ay sinasabi naman nila na talaga namang napakasarap daw. Kung kelan darating  ang panahon na kaya ko ng isubo, nguyain, at lunukin ang dinuguan ay hindi ko alam, pero kagaya ng lahat ng bagay sa aral sa mundo. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. Mahirap sa simula. Nakakakaba. Hindi mo alam kung pano mo uumpisahan. Kailangan mong gawin ay isang hakbang muna at susundan ng iba pa hanggang sa sigurado kang kaya mo na.

Life is an unending journey and as long as you’re alive you will encounter things that are new to you, places that you haven’t seen and faces that are not familiar.  Pero sa lahat ng mga bagong bagay, lugar at tao sa buhay mo. Makakasalubong ka ng mga bagay na ayaw mo. Kagaya ko na tuwing bibili ako ng pagkain sa carinderia, hindi miminsan na nangyari na ang unang kaldero na mabubuksan ko, ang laman ay ang pagkain na ayaw na ayaw kong makita. Pero kailangan mong magpatuloy. Buksan ang kasunod na kaldero para makita ang pagkain na nababagay sa panlasa mo. Yun oh! Sinigang na hipon… TARA KAIN  TAYO!!!

Cellphone na may camera!!!

Malaki talaga ang naidudulot na pagbabago ng teknolohiya sa buhay ng tao. Magmula pa sa tv, radyo, telepono at computer ay malaki na talaga ang pinagbago ng panahon. Kung dati-rati ay nakikinig lang ang tao ng mga balita sa radyo o di kaya ay mga tugtog na ancient na at ang mga kumanta naman ay extinct na, ngayon ay maaalala na lang ng tao ang A.M. radio pag may bagyo at brownout sa lugar nila.  Ang F.M. radio naman kahit papano ay naririnig pa rin katulad ni Papa Jack o di kaya ay sa mga pampublikong sasakyan na hindi afford bumili ng cd player.   Sa ngayon kasi lahat ay naka mp3 o mp4 player na. Pag pumunta ka pa nga sa mga bangketa ay meron pang mp5 dahil daw may camera na hindi ko naman maintindihan dahil ang mp3 at mp4 ay mga file type na kayang i-play nun so anong klaseng file ba ang mp5 na kayang i-play ng player na ito. Kung ang Mp3 ba na audio at mp4 na video ang mp5 ba ay bukod sa video at audio ay meron pang  sense of taste or touch? un bang tipong matitikman mo yung pagkaing pinapanood mo o di kaya eh mahahawakan mo yung nota. (nota na note po in the music para malinaw sa mga green minded na katulad ko).

Pero sa lahat ng bagong teknolohiya ngayon ang pinaka nakakatuwang pagmasdan ay ang telepono o cellphone na sa panahon ngayon. Biruin mo mula sa dating laging nakalapag sa lamesa na napalitan ng malalaking analog cellphones ay meron na tayong iba’t-ibang uri ngayon ng cellphone. Dati pag bumili ka ng cellphone panahon ng 3210 at 3310, sobrang in ka kapag may acetate tapos iba kulay ng backlight at ang pinakamalupit pag pinainvert mo ang LCD nito. Halos every month ka din magpalit ng housing.  Mas maliit ang cellphone mas mahal kahit na parehong pareho lang sila ng nagagawa nung isang cellphone. Dumating ang sunod na henerasyon ng cellphone. Colored at polyphonic ringtone. Masakit daw kasi sa tenga ung monotone na tunog ng 3310 na parang ngongo na kumakanta. Naging in ka lalo pag colored ang cellphone mo. Finally dumating na ang feature na cellphone with camera. Video and photo. Ang dating mga camera shy naging photomaniac na. Ang kapatid ko lahat ata ng angulo ng pagpicture sa mukha nya meron. May mga stolen kuno. May mga wacky. May mga seryoso or emo. Nauso na din tuloy ang mga sex video dahil pati mga narrow-minded person ay nakakabili na ng mga gadget na ganito.  Sa ngayon maliban sa camera ay meron na ding mga cellphone na may TV at ung iba wifi or internet access na. Makikita natin na talagang malayo na ang narating ng teknolohiya natin. Sana pati yung pag-iisip natin ay malayo na rin ang marating. Pano tigil na muna ko. May itetext lang muna ako.

 

Buhay Konsensiya

Rewind……. Balik tayo sa taong 2007 first time kong mag call center.  1st barge ko at 1st day ko na magcalls. Nagka telephone access kasi sila ng day-off ko at pagpasok ko nagcacalls na lahat ng kabatch ko. Pull out tawag ng QA, markdown information, Fatal markdown. Bilog na bilog ang score ko. Sa non-fatal naman 73%. Ouch. Ang TL ko okay lang daw yun kasi bago. Pero sakin nakakahiya, ano ba naman yun. unang araw ko lang puro pula ang nakalagay sa scorecard ko. Napakahigpit ng QA….

Play………  After 3 years ng pagtatawag nasanay na ko na makisalamuha sa buhay call center. Alam ko na kung kelan bagsak at kung kelan maganda ang calls ko. Alam ko na ang paraan para makalusot sa mga markdowns at ang mga technique para maging maayos ang flow ng tawag at maiwasan ang sobrang baba na grade. Nagkaroon ako ng pagkakataon na maging isa sa mga taong unang kinatatakutan ko pagpasok ko sa call center. Ang mga taong parang laging seryoso at daig pa ang DJ na maghapon nakaheadset pero di naman nagsasalita. Ang mga Kyu Ey…….. Naranasan ko naman nang magbarge dati pero laro laro lang yun. Makikinig ka ng tawag ng kateam mo tapos pagtatawanan mo sya kasi mali ang ginawa nya, nagalit ang kausap nya dahil sa katangahan nya at  nangyari din sayo yun kaya ka natatawa.  Pero pag totohanan na pala ay iba na. Naiinis ka na pag mali ang nagawa ng ahente. Hindi na nakakatawa pag nagalit ang tumawag dahil sa katangahan ng natawagan, at pinakanakakainis pag ang ahente na ang mali ay sya pa ang nagagalit. Yung dating okay lang pag-antayin mo lang yan sa linya kwentuhan lang muna tayo. Naging nakakabagot na at naiinis ka kasi sa halip na maikli lang ang papakinggan mo ay humaba dahil sa may chinicheck lang kuno ang ahente sa linya kahit nakikita mo naman na ngumunguya lang ng boy bawang o skyflakes habang nakikipagkwentuhan sa katabi. Ang hirap maging konsensya.. kasi kung ayaw naman sundin ng tao ang konsensya nya wala ka din magagawa. pwede mong sabihin ng sabihin ang dapat gawin pero sila pa rin ang masusunod. Andon ka lang sa likod. Isa kang dakilang sidekick at sila ang bida. Masaya naman pag may mga taong nag-improve dahil sayo. Mahirap pag may ayaw makinig dahil mas tenured sila sayo. Mahirap pag ang tinatanong nila ay ikaw mismo ay hindi sigurado sa sagot. Maraming nag-eexpect na dapat laging alam mo ang isasagot mo. Ang konsensya ay nandyan para magbigay ng payo hindi nila masasagot ano ang mas makakabuti at alin ang maaaring makakasama.

Fast Forward…..Sa pagtagal alam ko makakaadjust din ako. Magiging sanay na sa mga bago at lumang ahente. Magiging kampante na sa pagdidiscuss ng mga dapat at hindi dapat gawin. Hindi na kakabahan at mas marami pa akong matututunan.  Makukuha ko din ang respeto ng mga tao sa paligid ko. Alam ko darating ang panahon na yon. Sa ngayon para sigurado Safeguard muna gagamitin ko…

I Hate Gulay Ang Pagbabalik….

I’ve been busy this past few months. Queue sa calls ng November till December, new opportunities and new tasks come January till now. I haven’t got any inspiration to write anything in this blog. Now I’m really burnt out. Mahirap tingnan ang quality ng ibang tao kung mismong ikaw hindi ka na satisfied sa quality ng tinatrabaho mo. Masaya sa bago kong department, everyone is helpful appreciative and lahat sila maasahan. The only thing is in rder for us to be able to work good we have to have an inspiration. I remembered what our Boss said during the meeting of expectations. Sabi nya sakin what do I want to be 6 months from now, then 2 years from now and finally what I see myself after 5 years. Then she said everytime na nararamdaman mo na your losing it, pag nararamdaman mong nawawala ka sa focus. Just remember those goals. Para ka lang mga figurine ng Feng Shui na inienergize pa nito ulit. Right now I am at that situation. I am at the edge of a cliff and I’m waiting for someone to either push me or pull me. May mga iba na tinutulak ako to go on the uncertain, some actually wants me to stay at tiisin ang lula ko. Minsan kasi nakakasawa na, I believe kasi na pag hindi ka na masaya sa ginagawa mo ibig sabihin kailangan mo ng tumigil. Pero pano kung titigil ka ngunit hindi naman magiging masaya yung taong dahilan kung bakit ka sumasaya. Titigil ka pa rin ba kahit na malulungkot sya. Di ba ang lungkot pa din nun? So dahil dyan binubuksan ko muli itong blog ko, hindi mahalaga kung may magbasa man o kung wala, ang gusto ko lang ay may mapagtypean ako ng mga bagay na gumugulo sa isipan ko. Gusto kong simulan na libangin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga kalokohan na ako din ang gumawa at ako lang din ang nakakaintindi. Gusto kong ayusin muna ang sarili ko bago ko masigurado kung handa na ba akong tumalon. Mahirap mag bungee jumping kung walang tali na hahatak sau pabalik. Ayoko ng Gulay, I really hate it. Ako na yata ang pinakapihikang tao sa mundo. Pero naalala ko dati nung nililigawan ko pa ang future wife ko, kumain ako ng isang hiwa ng repolyo dahil sa ang gago kong teammate ay inutusan ang nililigawan ko na  fiancee ko na ngayon na pilitin akong kumain ng gulay, dare ba? Until now hindi pa din maalis ang sama ng loob sa pagkain ng gulay e noh. So ibig sabihin kung mahalaga sayo ang kapalit kaya mong tiisin ang hirap. Nakakain nga ko ng repolyo yun pa kayang tiisin yung ginagawa ko ngayon. Kaya ko to. Go Go Go.

Chris Booger and the Impotent Sorcerer’s Stone (Tagalog Version)

This story is made from the creative mind of Yuan Azeuca. Any resemblance to actual people, places or events is purely co-incidental. If ever there is any resemblance to actual people who are working in a call center it is not intentional and is not meant to ridicule any people. (kunwari di sinasadya)

Noong unang panahon may isang mayamang binata na nagngangalang Chris Booger. Lahat ng hinahawakan nya ay nagiging ginto. Mabait at gwapo si Chris Booger at marami ang nahuhumaling sa kanya. Ngunit sya ay walang asawa dahil sa tuwing hahawakan nya ang nililigawan nya ay agad itong umiiwas dahil sa alam nila na ang anumang mahawakan ni Chris Booger ay magiging ginto. Sa makatuwid ay wala sa mga babae ang pumapayag na maging kaniyang kabiyak. Lingid sa kaalaman ni Chris Booger ay nakikinig sa kanya ang isang masamang salamangkero si Yuan Tutuban kalaban ng sangkatauhan. Si Yuan ay isang mahirap na salamangkero ngunit may kakayahan siya sa Dark magic at kasing itim nya ang kanyang budhi. Nag-isip siya ng paraan para makuha ang kayamanan ni Chris Booger. Minsan naglalakad si Chris Booger sa bukid ay may nakita siyang isang langaw. Sinubukan nyang hulihin ito ngunit naisip nya na pag nahawakan nya ito ay mamamatay ito at magiging ginto. Dahil naaawa sya sa langaw ay sinubukan nya na lang hulihin ito gamit ang kanyang dila. Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ay nalunok niya ang kawawang langaw na namatay din naman. At matapos malunok ang kawawang langaw at tila isang panaginip na may dumaang isang magandang dilag sa kanyang harapan. Nabighani ng sobra ang puso ni Chris Booger sa magandang dalaga kaya’t lumapit siya rito at sinabing “To get off to a good start may I have your name please?” Sumagot naman ang dalaga at sinabing “My name is Trining Prases . How’s the weather there?” Nataranta si Chris Booger at hindi alam ang isasagot. At nawala sa isip niya ang ang sumpa sa kaniya kaya nakipagkamay sya na hindi naman tinanggihan ni Trining Prases. At sa isang iglap kasabay ng kulangot sa daliri ni Chris ay naging ginto din si Trining Prases. Nagulumihanan si Chris Booger.  Ito ang kauna-unahangbabae na masasabi nyang minahal niya kay Melinda Songer, Miriam Dakila, Joanna Brother at Terry Mobile. Depressed na depressed si Chris Booger, para syang representative na nadelay ang order at nasingil ng shipping fee. Eto na ang pinakahihintay na pagkakataon ni Yuan Tutuban. Sa gitna ng makapal na usok ay biglang lumitaw si Yuan Tutuban. Humahalakhak na tila isang adik na nakalanghap ng Dragon katol with the tagline Dragon kung umusok lamok siguradong Teypok.

“Kaibigan, nais mo bang maibalik sa dati ang iyong kasintahan? At tuluyan na ring maalis ang sumpa sa iyong mga kamay?” ani Yuan Tutuban. “May alam akong paraan para maibalik sya sa dati ngunit may kailangan kang kunin para sakin para maibalik sa dati ang iyong kasintahan.” dagdag pa nito.

“Ano yon?” Sagot ni Chris Booger, “lahat ay gagawin ko mabalik lang sa dati ang kasintahan ko”. (kapal din naman nito kasintahan daw di naman sya sinagot pa ni Trining Prases, You wish Asshole!!!).

“Kailangan mong kunin ang makapangyarihan YAG balls ng katunggali kong salamangkero na si Erick Chikinini.” Kung mapapasakamay ko ito ay magagawa kong ibalik sa dati ang iyong kasintahan at bukod pa ryan makakatanggap ka din ng Skin So Shiny Anti Acne with kulangot buster bundle.” ang pahayag ni Yuan Tutuban.

“What! Skin So Shiny Anti Acne with kulangot buster bundle?” gulat na gulat na sambit ni Chris Booger.  “I have been wanting to buy that item for years but it is a very rare product and only members of the inner circle are allowed to buy that.” (napaenglish si mokong sa sobrang excitement).

“Oo! limited edition and very rare product ito at ibibigay ko sayo kapalit ng YAG balls ni Erick Chikinini at bonus pa na mababalik ko sa normal ang kasintahan mo at maalis ang sumpa sa mga kamay mo.” pangungumbinsi ni Yuan Tutuban “Ano payag ka na?” dagdag pa.

“But of course gagawin ko ang lahat!” buong sayang sambit ni Chris Booger na parang isang representative na nauto ni Yuan Tutuban na bumili ng upsell.

At binigyan sya ng map ni Yuan Tutuban para makarating sa hide out ni Erick Chikinini. Mahigpit na binilin nito na sundin nya ang map dahil mamamarkdown sya ng 6 pts. pag hindi nya to sinunod. At nakalagay sa map ay(to the tune of Dora the Explorer)  Gubat, Kuweba, Erick’s Hideout,  Gubat, Kuweba, Erick’s Hideout, Yeyyyyy!!!!.

At nagsimula na ang paglalakbay ni Chris Booger.  First stop gubat, while walking on the jungle ay may nakita syang isang babaeng lobo na sumasayaw ng pandanggo. Dahil sa naliligaw na si Chris at kanina pa sya paikot-ikot sa puno ng bayabas ay naisipan nyang tanungin ang lobo na kahawig ni Angel Locsin at nakapose na parang nasa cover ng FHM magazine.

“Mawalang galang nga po, maaari po bang magtanong?” bungad na pagbati ni Chris.

“Unang una wala ka talagang galang dahil di hamak na mukha kang matanda sakin at pangalawa nagtatanong ka na.” galit na sagot ng magandang lobo.

“Pasensya na po, kasi po ay kanina pa ko naliligaw, 30 times na ko paikot-ikot dito sa puno ng bayabas pero hindi naman ako nakakaalis, natapos ko na nga ng 5 times ang sayaw mo eh.” paliwanag ni Chris.

“Oo nga kanina ka pa paikot-ikot jan at akala ko naman ay nakikipaghabulan ka lang sa mga bulate o di kaya ay naghahanap ka lang ng hinog na bayabas.” sagot naman ng lobo.

“Hindi naman nalibang lang ako sa panonood ng sayaw at feeling unti unti na nahuhulog ang puso ko sayo!” sambit ni Chris Booger habang naglalambitin ang isang kulangot sa tungki ng kanyang ilong.

“Puso mo ba ang nahuhulog o yang kulangot na nakikita ko sa ilong mo?” sagot ng lobo “Oo nga pala di ko pa nasasabi ang pangalan ko, ako si Kim Boh”  (uulitin ko para sa nagbabasa Kim Boh) “At ikaw sino ka naman?”

“Ako nga pala si Chris Booger at kinagagalak kitang makilala, sana ay maturo mo sakin ang tamang daan papunta sa hideout nin Erick Chikinini dahil kailangan kong matulungan ang aking katipan.” pagpapakilala ni Chris (Tama ba yun? katipan ulit sinabi nya? Girlfriend your face!!!) “Ngayon kung ayaw mo naman ay mawawalan na ko ng pag-asa na maibalik sya dati kaya ikaw na lang ang mamahalin ko.” dagdag diskarte pa ng mokong.

“Ah kung ganun tigilan mo lang ako sa mga diskarte mo na kasing edad na ng lolo ko sa tuhod, Ituturo ko na sayo ang daan.” nandidiring tugon ni Kim Boh. ” Nakikita mo ba yang signboard na nakakabit dyan sa puno ng bayabas na  iniikutan mo kanina pa? Yang may nakasulat na “To Erick’s Hideout Follow This Path” sa tabi ng puno may path na sundan mo na lang di kasi nagbabasa. Sa dulo ng path ay may makikita kang sakayan ng jeep papunta sa isang kuweba. Tandaan mo ang sasakyan mo ay ung kuweba hindi Cubao. Medyo magkatunog kasi kaya wag kang basta sasakay tingnan mo yung signboard.  Pero ipapaalala ko sayo, May isang halimaw sa daan at kailangan mong mag-ingat.” tuloy tuloy na sabi nito. “O sige mauna na ako at may practice pa kami ng jabbawockeez sa america’s best dance crew”.

“Maraming salamat sa tulong mo” sabi ni Chris sabay abot ng kamay para makipagkamay kay Kim

“Wag na,”sabi naman ni Kim “Hindi ako sigurado kung saan saan nanggaling yang kamay mo”

At umalis na nga si Chris Booger at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay,

 

AVON DREAM TEAM, Almost but not Quite!!!!

AVON DREAM TEAM…. Tinatamad na akong pumunta sa sportsfest kasi malakas ang ulan at bumabaha sa España pero dahil sa gusto kong suportahan ang Dream Team ng Avon US ANZ ay nagpunta pa rin ako (kahit ang totoo ay dahil lang sa blackmail ni TM Toby kaya ako nagpunta pero maniwala na lang kayo na gusto ko talaga silang suportahan hehehe). We started with the walang kamatayang parada ng mga players at syempre kasama ang naggagandahang Muse. Sinundan ng Flag ceremony este singing of the National Anthem na sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakasabit pala sa posteng hinahawakan ko kaya bigla akong umatras ng magsitinginan ang mga players sa pwesto ko. After that ay parade of the muse etc. Followed by the super loved part ko, the super performance of the U.P. Pep Squad…. Ganda talaga.  Super astig. Then came the announcement of the best Muse ba award nya. A girl in red won at since hindi naman sya mukhang nag-effort masyado dahil talaga namang parang nagpaparlor pa sya for the event.

Then came the most awaited part…. Avon Dream Team versus NYK. After the jump ball hiyawan agad Avon Dream Team gets the ball and Karlo Panti (KP) went strong to the hoop giving us the first two points of the game. Magandang simula na biglang nawala after magsunod sunod ang shoot ng kalaban. Nakakabingi ang katahimikan ng mga tagasuporta. After ng half time double digits ang lamang ng kalaban. Nagsiuwian na ang iba sa mga kasamahan namin. Second half starts halos parang wala ng gana ang mga tagasuporta na sumigaw. Parang mas maganda pa na ireserba na lang ang boses para sa mikropono ng headset at sa pagpapaalam ng break sa opisina. But the Avon Dream Team didn’t lose hope. KP showed them how he leads not just by managing the account but on the hard court as well. Almost all his shots came in and it sparked the whole team that is almost starting to lose hope. Nagsimula ng ganahan ang kanina ay halos wala ng siglang mga tagasuporta at player. There was a three-pointer made by sir Steve, rebounds made by Enzo and steals made by Kindred and Toby. The others helped as well with a great defense and finally the once 15 point lead went down to three. Halos lahat ay nagsisigawan. People are cheering out loud to support their own teams. Sobrang intense ng laro na pag may nakita kang mga panggugulang sa laro ay talaga namang nakakainis. I even spotted Mr J-Bag number 14 practically pushing Rey so that he cannot get in position for the rebound. Last two minutes came and players are actually tired and time is not on our side. The buzzer sounds and the game ended with Avon Dream Team losing by three points. Nakakapanghinayang pero you can see that they can win it they just lack practice. Naging mabagal din ang umpisa nila dahil siguro sa pressure sa dami ng nagpunta para sumuporta sa kanila. To Avon Dream Team we’ll get stronger next time. At kahit na talo tayo okay lang, file ko na lang na OT ang pagpunta ko hehe Joke!!!!

Just To Let You Know

Looking at my monitor I see your face

When my last break comes My heart’s in a race

Always anxious to go home And be with you

Forever and ever You’re my love so true

I know there are things I’m like an irate client

When I joined this career Don’t know where my patience went

But even though I’m impulsive Believe me this is true

I may be too controlling But it’s all cause “I love you”

The reason why I have my eyes Is to see your beautiful face

The reason why I have my nose Is to smell you anytime, anyplace

I have my lips to kiss you And taste your sweet little lips

I have my hands to hold you And feel four fingertips

I used to think and believe That I already have no heart

And love stories and marriage Is just true in the movies and arts

But on the moment I met you I know now why, I don’t have a heart

Because you are its owner And you have each and every part

So this is the reason why I’m scribbling this little note

It is not my hand that made it But this is what my heart wrote

It is so that you’ll know That I love you more each day

I love you more and more Until our hair turns to gray

This is a poem I made while taking calls. Sobrang enthusiastic na kasi ako umuwi nang bahay at gusto ko na umuwi kahit 2 hours pa lang me sa office so para mapabilis ang oras I made myself busy so that I won’t notice time fly by. Kasama kang tumanda pa rin yung theme hehe..